Tag-ulan

May mga pagkakataon na kinaiingitan ko ang ulan, lalo na kapag sumasabay sya sa aking kalungkutan. May mga pagkakataon kasi na hindi ko kayang lumuha kahit labis na ang kirot na aking nararamdaman. Yung kahit sobrang punong puno na ako, di ko parin kayang pakawalan ang mga luhang kailangan nang lumaya para ang puso ko naman ay gumaan.




Kaya kadalasan, sa mga tula ko na lang binubuhos ang mga luha kong galing sa mga matang tigang. At sa pamamaraang ito, ang paghinga ko kahit papano ay maluluwagan.




Mabuti pa ang panahon, patuloy ang pagbuhos ng kanyang ulan,
Pinipiga nang pinipiga hanggang ang ulap ay maubusan ng laman.
Hindi ko lang alam kung nakikisabay ba sya saking nararamdaman.
Dahil kahit anung aking gawin, tila ang mga mata ko ay tigang.

Tulad ng ulap, punong puno na ako at ang luha ay gusto nang pakawalan.
Ngunit tila ako tag-tuyo’t nagpapakita parin ng init na sobrang tapang.
Pagpapakita sa lahat na “ayos lang ako” ang aking nakasanayan…
Kaya sa pagbuhos ng aking damdamin na tulad ng ulan, ako ay nahihirapan.

Show us some love and retweet this poem.


You may submit your stories, poems, photos, and illustrations to Ibalio Stories via email (ibaliostories@gmail.com; ibaliostorytellers@gmail.com), Twitter (@ibaliostories), or Facebook (@ibaliostories).



Please follow and like us:
0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *