Palitan ng isda kontra noodles, muling sumadsad

Hindi ikinababahala ng economic managers ang muling pagsadsad ng palitan ng isda kontra noodles sa West Philippine Sea.




Isda vs Noodles. (ilustrasyon ni Alyssa Ann Solano)

Mula sa isang report na nakalap ng Ibalio Stories, tiniyak ng mga eksperto na ang pagbaba ng halaga ng isda ay hindi nangangahulugang humihina ang ekonomiya ng bansa.

Eto raw ay bunga ng kabaitan ng pangunahing bansang pinagmumulan ng mga noodles na namumudmud rin ng sigarilyo at tubig maliban sa noodles.

Ang kabaitan ng mga Chinese coast guard ay muling namataan sa mga video na kuha mismo ng mga negosyanteng mangingisda ng Pilipinas .

Ayon kay Harry Roque, tagapagsalita ng pangulo, hindi raw mahalaga na bumaba ang palitan ng isda at noodles sa kanlurang dagat dahil nakapapangingisda namang malaya ang mga Pinoy dito dahil sa kabaitan ng Tsina.

Ayaw namang tawagin ni Roque na ‘harassment’ ang kabaitan ng Tsina.

Show us some love and retweet this story:

You may submit your stories, poems, photos, and illustrations to Ibalio Stories via email (ibaliostories@gmail.com; ibaliostorytellers@gmail.com), Twitter (@ibaliostories), or Facebook (@ibaliostories).



​​

Please follow and like us:
0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *